ENDOFMAN

September 9, 2013 by  
Filed under INTERVIEWS, ISSUE#4

1.Can you tell somethin about the band formation and how long EOM in the scene ryt now? Is there somethin new in the band?
JC: Two years na End of Man sa October 2004. Galing kami sa iba-ibang banda. Magkasama kami ni John at Yam sa Mass Carnage. Si Joey, Discant X at Aries sa Seven Stitches.

Yam: Matagal na rin naming plano ni John at JC na magbuo ulit nung nag disband Mass Carnage, kaso masyado busy sa trabaho. Pero nung 2002, nagusap kami na mas maluwag mga schedule at tiyempo naman, nagkausap din kami ni Idol-Joey…

Joey: …at dun nagumpisa ang Mighty Bonding! Tungkol sa pagbabago, marami itong taon na to. Abangan!

 

2.Which U.G. scene is more you lyk the U.G. scene now or before? and what can you say about it?

Joey: Siyempre yung dati. Bakit? Dahil bata pa ako nun! Sariwa! hehehe Di ako basta basta napapagod nun!

Yam: Depende kung paano mo titignan. Isang mas ok dati dahil mas united metal scene nun at kahit mas konti banda, mas iba-iba tunog. Napansin namin ngayon mas marami banda kaso magkaktunog sila. Iilan ang original ang tunog. Ang mas maganda naman ngayon, mas marami ang nakakapag-release ng material nila at ang laking supporta at tulong nagagawa ng mga fanzine.

 
3.Why End of Man name of the band, does it relate to the end of the humanity. especially when they hear your music?

Yam: Tropa naming si Danyon Dimayuga nag isip nung pangalan nung 90s pa.

 

4.Can you described EOM while on stage?

Joey: Aggression

JC: Pure aggression! 200% palagi para malabas lahat ng frustrations namin!

 

5.What are the killer songs that the band (ab)used to make the crowd turn into like a full of rabid dog?

Yam: Pag cover, EX-TC ng Death Angel at basta pag Slayer. Pag original Third Factor, The Scourge at Servitude.

 

6.) Do you still remember the gig at kilah john’s in marikina. When the old drunk punk was doin a fuck fist infront of you while performin on stage and also to the drummer. What’s the band reaction?

Joey: Ok lang. Wala kaming pakialam.

 

7.) In all of the EOM composition. What song is your favorite one?

Yam: Si Joey paborito yung Devoted Mistake!, mahirap sagutin kasi lahat paborito namin. Parang mga anak namin yan. Lahat pinaghirapan at pinagawayan isulat.

 

8.) What are the influences of EOM?

Joey: Slayer, Death Angel, Anthrax, Iron Maiden, Metallica.

JC: Metal, Crossover at Death.

 

9.) About in the EP. can you tell somethin bout it? and how can you described EOM music?

Joey: Siympre matagal namin pangarap magka album. DIY ang EP namin. Mula sa pag print, pag xerox, pag pack, lahat. Puyatan! May mga trabaho kasi kaya sa gabi ginagawa.

JC: Pinaghirapan sobra. Laking tulong na binigay ng mga kaibigan at pamilya. Sa recording at production nandiyan si Boyet sa equipment, at Ian at Isa ng Demiurge. Ian sa recording, mix at mastering, si Isa sa painting ng album cover, tsibog at lugar.

Yam: Nahirapan lahat, pero laking tuwa namin nung natapos. Kahit DIY pag pinakingan mo ginawa ni Ian sa production magaling, at yung album cover na painting ni Isa, ang lupit!

 

10.) Any future plans of the band?

Joey: EP ulit.

JC: Tinatapos namin yung mga bagong kanta. Ipon ulit ng pera tapos record na. Target early next year.

Yam: Mag-record ulit, at ma-promote yung unang EP kahit sa labas.

 

11.) ok sige eto last na ito k aya tagalog na. hirap mag english Fuck(teka english yun ha!) ang huling salita ng banda ay ibigay niyo na dito?

End of Man: Supportahan natin mga Independent na banda at salamat sa Cult Mongers!

Comments are closed.